- Voice Of The Youth Network

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

22 Jan 2018

Pagbubukas ng Aplikasyon: K-Beauty Vocational Training for ASEAN Young Women




Ang National Youth Commission sa pakikipagtulungan ng Gwangju University Korea at ng ASEAN Secretartiat ay malugod na ipinababatid sa lahat ang pagbubukas ng aplikasyon para sa K-Beauty Vocation Training for ASEAN Young Women na gaganapin mula Marso 19 – Mayo 21, 2018 sa Gwangju University, Gwangju Metropolitan City, Republic of Korea. Nilalayon ng programa na makapagsanay ng mga kabataang babae sa ASEAN sa larangan
ng make-up at hairstyling.
Magpapadala ang NYC ng dalawang (2) kabataang Pinay.
Qualifications:
● Filipino, babae
● 18-25 taong gulang
● May passport (na may bisa hanggang o lagpas nang Nobyembre 22, 2018)
● Nakapagtapos ng High School pero hindi na nag-aaral sa kolehiyo
● May kaalaman o nag-aaral sa make-up at hairstyling
Requirements:
● Nasagutang NYC International Programs’ Application Form
● Nasagutang K-Beauty Registration Form
● Kopya ng passport
● Sanaysay (na hindi bababa sa 500 salita) na sumasagot sa mga tanong na: 1) bakit hindi ka nagpatuloy sa pag-aaral? 2) may karanasan ka na ba sa make-up at hairstyling? 3) paano makakatulong ang programa sa iyong buhay?
● Kopya ng High School Diploma
● Sertipikasyon mula sa employer (parlor) o vocational school na magpapatunay na nakapag-aral o nag-aaral ang aplikante ng make-up at hairstyling
Expenses:
● Sasagutin ng Gwangju University at ng ASEAN Secretariat ang mga gastusin ng mapipiling kalahok sa programa, kasama ang: international ticket (Manila-Incheon-Manila), pagkain, tutuluyan, at pang-araw- araw na allowance.
● Sasagutin naman ng mapipiling kalahok ang kaniyang pamasahe mula sa kanilang bahay papuntang NAIA at pabalik, pagkain at tutuluyan habang nasa Manila para sa pre-departure training.
Ang mga sumusunod ay hindi na pwedeng mag-apply:
1. Mga nakasali na sa kahit anong international program ng NYC mula Enero 11, 2013 hanggang sa kasalukuyan na binayaran ng organizer ang lahat ng kanilang gastusin.
2. Mga nakasali na sa kahit anong international program ng NYC mula Enero 11, 2016 hanggang sa kasalukuyan na binayaran ng organizer ang kalahati ng kanilang gastusin.
3. Mga nakasali na sa kahit anong international program ng NYC na hindi nagpasa ng kanilang post-program report o hindi nag-volunteer pagkatapos ng kanilang programa.
Papaano ang pagpasa ng mga dokumento o papeles:
● Kung magpapasa sa email: Ipasa ang mga na-scan na dokumento sa 2016philkorea@gmail.com
● Kung magpapasa nang personal: Ipasa ang inyong dokumento sa: NATIONAL YOUTH COMMISSION, THE INTERNATIONAL PROGRAMS UNIT, 3rd Floor West Insula Building, West Avenue, Quezon City, 1105.
● Kung magpapadala sa pamamagitan ng koreo: Ipadala ang inyong dokumento sa: NATIONAL YOUTH COMMISSION, THE INTERNATIONAL PROGRAMS UNIT, 3rd Floor West Insula Building, West Avenue, Quezon City, 1105.
● Ang huling araw ng pagpasa ng aplikasyon ay 11:59 PM / Pebrero 1, 2018.
Para sa mga katanungan:
● Ipadala ang inyong mga katanungan sa 2016philkorea@gmail.com
● Maaari ring tumawag sa (02) 4268733.

No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad