Faith in Humanity Restored: Honest Tricycle Driver - Voice Of The Youth Network

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

28 Mar 2019

Faith in Humanity Restored: Honest Tricycle Driver

General Santos City – Feature News
by Mark Aaron Canlas Campaña

Kamakailan lamang, usap-usapan ang mga sunod-sunod na trahedya na naganap sa Lungsod ng Heneral Santos. May mga iilan na sumusuportang hindi na daw ligtas tumira dito. Gayon pa man, hindi maiikakaila na mangigibabaw at mangingibabaw pa rin ang kabutihan sa mundong ating ginagalawan. Isa sa mga halimbawa nito ay ang naranasan ni Chiclet E. Moscoso-Rillo, alas otso ng umaga noong ika-26 ng Marso 2019 sa General Santos City.

Bitbit ang kanyang mga mahahalagang dokumento ay bumiyahe siya mula Barangay Heights patungo sa kanyang opisina sa may Veterans’ Street. Siya ay nasa kalagitnaan ng kanyang paglalakad nang maalala niyang nakaligtaan niyang dalhin ang kanyang kayumanggi na envelope na may laman ng kanyang mga mahahalagang gamit.

Ayon kay Mrs. Chiclet, sa sobrang kaba, minabuti niya nalang na magdasal at magtiwala na maibabalik ang kanyang sobre na naiwan.

‘Di kalaunan, sa pagsilip niya sa surveillance camera (CCTV) ng kanilang opisina ay tila bang nasulyapan niya ang drayber na nagmaneho ng kanyang sinakyang tricycle na nakatayo sa labas. Doon ay nakita niya si manong drayber na naghihintay. Gayun na lamang ang kanyang pagkatuwa noong ibinalik ni manong drayber ang kanyang sobre na naglalaman ng mga mahahalagang dokumento. Isinaad ng drayber na siya ay nasa Our Lady of Peace and Good Voyage (OLPGV) Parish ng isa sa kanyang pasahero ay nagpa-alam na may naiwang gamit sa likod ng kanyang minamanehong tricycle. Dali-dali niya umano itong binalikan sa kung saan niya ibinaba si Ma’am Chiclet.

Isa lamang ito sa patunay na hindi dapat mawalan ng pag-asa sa sangkatauhan. Dahil hanggang may mga taong tulad ni manong drayber, na isinauli ang pagmamay-ari ng iba ng walang hininging kapalit, mayroon pa ring tao saan mang sulok ng ating bansa na mas nanaising ipakita ang kabutihan sa halip na kasamaan.

© Voice of the Youth Network

No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad