Adbokasiya ng Kumpetisyon, tampok sa Regional Roadshow ng Philippine Competition Commission (PCC) sa GenSan - Voice Of The Youth Network

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

19 Sept 2019

Adbokasiya ng Kumpetisyon, tampok sa Regional Roadshow ng Philippine Competition Commission (PCC) sa GenSan



Tampok sa 2019 Regional Roadshow na handog ng Philippine Competition Commission o PCC ang adbokasiya ng kumpetisyon kasama ang mga batas at polisiya nito sa ilalim ng Philippine Competition Act o R.A. 10667 noong Sept. 19, 2019 sa General Santos City. Nagsimula ang programang "Mainstreaming National Competition Law: Regional Roadshows on the Philippine Competition Act for Local Stakeholders" noong August 27-30 sa Ilo-Ilo City para sa Visayas, na sinundan sa Legazpi noong Sept. 10-13 para sa Luzon, at nitong Sept. 18-20 sa lungsod ng Heneral Santos para sa Mindanao, bilang pagkilala sa mahalagang kontribusyon ng lungsod sa pambansang ekonomiya.

Councilor Dominador Lagare Jr. giving his opening remarks

Isinusulong ng komisyon ang mga advocacy campaigns para maipaliwanag sa publiko ang tuntunin ng PCC sa pagbabantay na mapanatili ang kumpetisyon sa bawat rehiyon upang mapaunlad ang ekonomiya ng bansa. Sa pamamagitang ng Competition Law, nasisiguro ang partisipasyon ng mga kumpanya at iba pang negosyo na palawakin ang impluwensya sa kani-kanilang lungsod. At dahil din sa kumpetisyon sa merkado, mas nagkakaroon ang mga konsyumer ng maraming pagpipilian, mabababang presyo, at produktong may mas matataas na kalidad, tugon ni Arnold Tenorio, ang PCC Director for Communications and Knowledge Management.

Itinuturing ngayon ang GenSan bilang may mahalagang tungkulin sa pagpapalaganap ng kaunlaran sa Rehiyon Dose kaya kinikilala ito ngayon na Sentrong Metropolitan ng SOCCSKSARGEN, at sa planong pagpapaganda ng paliparan at mga daungan sa lungsod, ay nakikitang maging primyadong transshipment hub at main gateway ng Katimugan ang GenSan.


Ang Roadshow ay naghandog ng public forum at campus tour para hikayatin ang mga local businesses, legal circles, ang akademya, at ng lokal na pamahalaan upang aktibong sumali sa pagpapakalat ng tamang impormasyon tungkol sa kultura ng kumpetisyon.

No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad