Unang Palaro ng Dekada, Gaganapin sa Marikina
Ni: Joshua Cote
Ang Lungsod ng Marikina kamakailan ay itinalagang bagong punong-abala para sa taunang paligsahan ng isport ng mga elementarya at sekondarya bago bitawan ng Mamburao, ang orihinal na punong-abala ng Palarong Pambansa 2020.
Lubhang naapektuhan ng Bagyong “Tisoy" ang Mamburao at ang kabuuan ng Occidental Mindoro. Ayon sa nakalap na impormasyon ng Occidental Mindoro’s Disaster Risk Reduction Management Office, kanilang iminumungkahi na bitawan muna ng Mamburao ang pagiging punong-abala ng Palaro 2020.
Sa pamamagitan ng isang memorandum na ibinigay sa tangapan ng Marikina Schools Division Office (MSDO) Officer In-Charge Dr. Sherryl Gayola , isinaad ni Education Undersecretary Revsee Escobedo ang pagkumpirma na ang lungsod ng Marikina ang papalit sa Mamburao bilang punong-abala ng Palaro sa susunod na taon.
Alinsunod sa kasulatan, bilang punong kalihim ng palaro, nagpadala si Escobedo ng management team sa Marikina Sports Center noong ika-27 ng Disyembre, taong 2019, upang inspeksyonin ang pagdarausan ng pagbukas ng palaro at mga lugar na kung saan gaganapin ang iba’t ibang larong palakasan.
Ito ang unang pagkakataon na pangununahan ng Lungsod ng Marikina ang Palarong Pambansa, at ika-5 pagkakataon naman na sa Metro Manila idaraos, na unang nagyari noong taong 1966.
No comments:
Post a Comment