Muling pagsasagawa ng Philippine Environment Summit Kasado na! Aksyon upang maprotektehan ang kalikasan, isinusulong!
ni: Kian Hermosa
Cagayan De Oro – Ito ang napiling lugar kung saan gaganapin ang
Philippine Environment Summit upang talakayIn ang mga isyung pang-kalikasan sa
ating bansa. “Pangalagaan ang kalikasan!” Yan ang adbokasiya ng ikatlong beses
ng pagdiriwang nito na gaganapin sa Grand Caprice Convention Center, Cagayan De
Oro, mula Pebrero bente-sais hanggang bente-otso, taong kasalukuyan, at may temang “Paradigm (re)shift: Heeding
nature.”
Ang tatlong araw na programa ay daan upang talakayin ang iba’t ibang
temang pangkalikasan gaya ng Safe food, Healthy Environment at Sustainable
Economy. Naglalayon ang programang ito na matalakay ang mga isyung kinakaharap
ng Pilipinas pagdating sa pagbibigay proteksiyon sa ating kalikasan. Isa rin
itong pamamaraan upang kilalanin ang mga natatanging Pilipino na tumugon sa
panawagan na pangalagaan ang kalikasan sa tulong ng kanilang mga inobasyon at
imbensyon.
Binigyang diin naman ng Presidente ng Green Convergence na si Dr. Angelina
P. Galang na isa itong hakbang upang pag-usapan ang lumalalang isyu pagdating
sa Global Warming at Climate Change. Dagdag pa niya, napakahalagang isalba ang
kapaligiran sa pagkasira dahil ang lahat ng tao ay dumedepende rito.
Matatandaan na ang naturang summit ay unang ginanap sa SM Mall of
Asia sa Manila noong 2016, at Waterfront Hotel Cebu City noong 2018. Ngayon, sa
tulong ng Energy Development Corporation (EDC) at Forest Foundation
Philippines, umaasa sila na nasa isang libong kalahok ang makikisama sa
Philippine Environment Summit. Samantala, bisitahin lamang ang kanilang opisyal
na facebook page na Philippine Environment Summit para sa karagdagang kaalaman
at paraaan upang makasali.
No comments:
Post a Comment